Friday, July 3, 2009

MANINIRA. :)

..nuon pa, bata pa lang ako.. natatandaan kong pagkakakilala sakin ng mga kaibigan ko ay "nakakatawa".. ewan ko. talagang nature ko na yun e.. madalas, ako yung nagpapabuhay sa barkadahan. masaya sila pag wala ako, pero MAS masaya kung andun ako.. madami akong kaibigan, dito sa naralla, sa tone, sa dibayn, sa fatima, sa asas, sa GSIS at sa lahat ng lugar na napupuntahan ko.. meron! sigurado yun..

syempre, hindi maiiwasan na may maiinis sa ugali ko. kasi nakakaasar na minsan.. alam ko yun. di naman ako maganda e. para matuwa sila lagi.. :)

pero recently, meron akong na-encounter sa aspeto ng pagiging KAIBIGAN. ewan. yurak na yurak ang buong pagkatao ko.. buti na lang, may mga tao pa ding concern sakin at ayaw ako gawing TANGA. :)

sobrang nasaktan yung ego ko. sobrang galit. sobrang pagtatanong kung bakit. sobrang emosyon!
madaming sinabi tungkol sakin ang isa sa mga tinuring kong kaibigan.. ewan ko. di ko maintindihan.. di ko mainitindihan kung bakit nya ko kailangan ganunin. kung ano yung ganunin? madami. madaming bagay.. madami din syang kasamang gumawa nun..

oo.. mali ako. sa isang MALIIT. as in, maliit na bagay. sabi nya, AKO DAW ANG MASAMA. AKO DAW ANG MALI. AKO DAW ANG NON-SENSE. AKO DAW ANG SUMISIRA NG TROPA. dahil yun ang perception nya sa mga bagay2, ok. tinanggap ko. mabigat man, tinanggap ko.

eto na ang kwento.. nagsimula ito sa text na galing sa bespren ko, na sinend nya sa taong MABAIT at MARUNONG MAGPAKUMBABA.. dahil sa cellphone ko ang gamit ng bespren ko, ayun. naging sigurado ako na madadamay ako sa away nila.. ganun sya, simula't sapul. madalas syang mandamay. hindi ko alam. pero sabi nya, ako daw ang madalas idamay sya sa galit ko. hayyy!! moving on.. nagpalitan sila ng salita. nagpalitan ng sama ng loob at ang SUBJECT ng KATEXT NG BESPREN ko ay: ang MASAMANG AKO. habang ang bespren ko naman ay: ang PUNTO NG BREEDING AT KUNG PANO NYA IPINAPAKITA SA TAO NA KAYA NYA ANG LAHAT NG TAO SA MUNDO. MATAPANG SYA. nakuha ko ang punto ng bespren ko, wala syang binalik na nakaraan kagaya ng pagkakapaliwanag ng kaibigan ko nuon. natapos ang palitan ng text.. nagpaalam ako, umuwi at BOOM! ayun na nga.. GALIT NA GALIT sya sakin, ayon sa kaibigan ko na isa pa. (tama! madaming nadamay. di ko alam kung bakit.)
..tinawagan kasi daw sya nung taong yun. at dito ko nalaman ang mga bagay kagaya ng:
  • gusto ko ako ang bida sa tropa. *ang sagot ko: oo, gusto ko ako. pero hinde bilang leader ng tropa, GUSTO KO AKO ANG NAKAKATAWA. that's what i meant by that. ako ang hinahanap pag may lakad, dahil sa mga kakatawanang ibinibigay ko.
  • hanggang ngayon, ako pa din ang SUSPECT sa pekeng cheap na account sa friendster na nagsabi ng kung ano-anong bagay sa kanila.. at ang nagbigay ng idea: ang KAPATID ko. :) take note: nung gabing yun ko lang nalaman kung sino talaga ang nagbigay ng idea sa mga tropa ko. *kahit kelan, hinde ako gumawa ng mga bagay na CHEAP. kahit kelan, HINDE. bakit ako? dahil sa past love interest ko ang mga nasa picture. PUTANGINANG RAIIN LOCSINA yan!
  • nilalait ko DAW ang bawat bahay na pupuntahan ko. *kahit kelan, hindi ko lalaitin ang bahay ng mga kaibigan ko. dun ako tumutuloy pag may kailangan ako, dun ako natutulog pag nagigipit ako. dun ako tinatanggap ng tao. kilala ko ng bawat magulang nyo. siguro naman, hinde nila hahayaan na maging kaibigan nyo ang taong kagaya
  • bumalik ako sa tropa para sirain sya. *hahahaha!! yan ang nakakatawa. bakit? pag nasira kita? yayaman ba ko? mamahalin ba ko ng tao na gusto kong mahalin ako pag nagawa ko yun?! sino nagbigay sayo ng ideya?!
  • sinulsulan ko ang bespren ko, para awayin sya. *bakit kita sisiraan kung nuon pa man, sira ka na sa bespren ko. :) di ko na ka kailangan gawin yung paninira. kasi bago ko pa makita yung kasiraan sayo. nakita na ng bespren ko yun.
  • sinungaling DAW ako. *oo! bakit? ikaw? buong buhay mo? di mo ba nasubukang magsinungaling. ako nagsisinungaling para maisalba sarili ko. ikaw? anong pagsisinungaling ginawa mo? hinde ba mas matindi pa?? bakit yung kasalanan nung ISA MONG KAIBIGAN? alam mong may asawa at anak sya, di ba? alam mu yun. bakit hinde mo sinabi yun sa nanay ko? nakokonsensya ka sa ginawa ko? kaya mo sinabi yung PEKE KONG SCHEDULE? bakit? ilang taong apektado sa pagtatakip mo sa kaibigan mong may karelasyon na iba bukod sa asawa nya? hindi lang isa o dalawa. diba?! isa pa, nilaglag mo ko sa nanay ko, dahil sumusobra na ko? kung sumusobra na ko, sana sinabi mo. kasi kaya kong ayusin gusot ko, nang hindi humihingi ng tulong sa taong kagaya mo!
  • at ang ikinakagalit ko sa lahat, TUMITIRA DAW AKO NG PATALIKOD. tandaan mo 'to: hindi lang ikaw ang matapang sa mundo. at hindi lahat ng katapangan: nakukuha sa tapang ng mukha at lakas ng boses. tandaan mo din na kahit kelan, hindi ako nagparinig sa mga kaaway ko, kung napapansin mo. kung nagawa ko man yun, nahawa ako sa putanginang ugali mo. kasi... kaya kong lumaban. yun nga lang, ang akin.. NASA LUGAR.
  • oo. mahirap ako kalaban. sobrang hirap. tahimik ako kumilos. at alam kong nasa TAMA ako. :) madami pa syang sinabi. di ko na idedetalye, kasi ang nonsense!

yung side mo? na madami akong sinasabi tungkol sayo? ayan na. yung mga sinabi ko sa yo. sagot lang yun sa mga sinasabi mo. di ba andami mong sinabi na hindi ko alam? nakakatawa. sino ngayon ang nangbackstab?! SINO?!

..sana nga. sana nga, para sa ikabubuti ng lahat yung ginawa mo. wag kang magdrama na aalis ka sa tropa, dahil wala ng tropa ngayon. dahil sayo. sinira mo.