Friday, February 27, 2009

IM COMPLETE, BUT WHY AM I NOT HAPPY? 0221

it’s sunday. my mom’s not around. im alone.

i’m doing nothing and my place is freakin’ messed up. i feel lazy. ewan ko ba..

im watchin’ SOP’s new MESSED-UP TALENTS singing LADY MARMALADE. favorite ko yun, pero nairita ko nung kinanta nung mga babaeng magaganda pero wala namang degree sa pagkanta. dumagdag sa init na nararamdaman ko. bat kaya mainit? oo nga pala. malapit ng mag-summer.

know what? when i woke up around 11AM, di na maganda pakiramdam ko. mabigat. ewan ko kung dahil sobrang TABA ko na talaga. pero, hindi naman siguro. pinipilit ko mag-diet para mejo gumanda naman physical appearance ko.

kausap ko boyfriend ko sa telepono, pero walang kwenta. inaantok ako. di ako masaya pag kausap ko sya. wala ng kilig factor. yun yung pinagtataka ko e. kumpleto ako, pero bakit di ako masaya. meron akong nanay at tatay na binibigay lahat ng gusto ko, may boyfriend ako na mahal na mahal ako. may mga kapatid ako na nandyan pag kailangan ko ng kausap. may mga kaibigan ako na nagpapasaya ng araw ko. pero ewan ko.. parang may kulang.

matagal ko na nararamdaman to eh.. ewan ko talaga. meron bang ibang taong kagaya ko?.. KUMPLETO. PERO HINDI MASAYA.

eto nagpapaikot ng buhay ko.

MONDAY-SATURDAY — nasa school. minsan sinispag ako pumasok. madalas HINDE. napipilit lang ako ng mga kaklase/kaibigan ko. di na ko madalas mag-stay sa “EXTENSION”. ewan ko, di ko na gusto aura dun e. parang routinary kasi, pagbaba ko ng jeep sa umaga, pupunta ko dun. pag walang tao, mag-stay pa onti, pag wala pang dumating papasok ako. pag dating ko ng classroom, nakakaantok. GUSTO KO MAGING DEGREE-HOLDER. pero, tinatamad ako. gusto ko mga PROFESSORS ko, ang cool nga nila e. pero HINDI AKO MASAYA. bakit ba hindi pwedeng maging ka-close yung prof at pumasa. haha. :)) nakakaasar. alam kong bawal yun.. pero nagsasawa na talaga ko. mahal ko professors ko, pero yung subject nila, ewan ko lang.

pagkatapos ng MAHABANG ARAW sa school, tatambay o maglalakad kasama mga kaibigan ko. pag nagkayayaan. minsan, umaalis at pumupunta kung saan.. o nagdedesisyong MAGKALAS-KALAS na.

paguwi ko ng bahay..

Jmhie: ma. nandito na po ako.

Mama: (nagwi-wii/nagla-laptop/nag-ga-garden/nanunuod ng tv) OH. KUMAIN KA NA?

j: opo. bihis lang ako.

..pagtapos magbihis, kakain. kahit na sinabi kong kumain na ko.

m: oh, akala ko kumain ka na. wag mong pabayaan yang pinagkainan mo sa lababo, hugasan mo kagad.

j: opo.

m: kamusta school?

j: OK naman. bored na ko.

m: bored ka na naman?! oh, kelan ka magshi-shift ule?.. (di ko alam kung seryoso to o reverse psychology na lang.)

j: hinde. tatapusin ko na to.

m: hayy jusme. sana nga!

tapos, maghuhugas na ko ng pinagkainan ko, magla-laptop. MAKAKATULOG. tapos, paulit-ulit.
bored na ko. routinary na masyado buhay ko.

pag kasama ko naman boyfriend ko, di ako masaya. AS IN HINDE. alam nya yun. sinasabi ko sakanya, pero ayaw namin magkalayo kami. mahal ko naman sya, pero di ako masaya. sabi nga nya, baka daw dahil ganun para may masabing boyfriend ako, pero hindi naman. ayaw kong break kami. ayaw ko lang na magkausap, magkasama kami madalas. nagsasawa ako. andami nyang bibibigay, di naman ako natutuwa. madalas, thank u na lang nasasabi ko. anhirap no?

hayy nako.. ewan ko. di ko alam kung hindi ko na sya MAHAL. iniisip ko kung totoo yung pananaw nya na baka kaya ayaw ko syang mawala, para may masbing boyfriend ako, kung sya naman tatanungin mo, ayaw nya talagang mawala ako. answeet no? pero hindi ako kinikilig. hindi talaga.

sino ba pwedeng mag-explain ng nararamdaman ko?

abnormality ba to? jusko. wag naman sana.
antaba-taba ko na. lalo pa kong umitim kaka-lakwacha. hayy.. :(( wala ng nangyayaring improvement sa buhay ko..

TUUUUUUUULLLLLLLLOOOOOOOOOONNNNNNNNGGGGGGG!!

No comments:

Post a Comment